"Happy Paws Pet Park” sa Burnham Park,pormal nang pinasinayaan
Jhong Munar — February 25, 2025
“Happy Paws Pet Park” sa Burnham Park,pormal nang pinasinayaan
Pinangunahan ni Baguio Tourism Council Chairperson Gladys Vergara ang pagpapasinaya at pagbubukas sa Happy Paws Pet Park sa Burnham Park.
Ang Happy Paws Pet Park ay tinurang isang kagigiliwang bagong espasyo para sa mga alagaing hayop kaakibat ang kanilang pet owners. Sa mensahe ni Vergara,sinabi nito na patuloy ang commitment ng BTC sa pagtataguyod ng responsible pet ownership advocacy at animal welfare dahilan sa paglalagak ng tinurang safe at open public place para sa mga pet owners na dalhin ang kanilang mga alaga sa naturang lugar.
Kaalinsabay ng pagpapasinaya ang isinagawang Pet Fashion Show na kinatampukan ng ibat-ibang malikhaing damit ng mga alagaing hayop. Dahil sa matagumpay na paglulunsad sa Happy Paws Pet Park, tinurang isang malaking hakbang ito para sa syudad sa pagkalinga ng tinurang more pet -inclusive community na sinisiguro na makakamit ang isang masaya at makabuluhang karanasan ang mga turista at residente katuwang ang kanilang mga minamahal na mga alaga.
Ang ribbon-cutting ay pinangunahan nina BTC Chair Gladys Vergara, BTC Responsible Pet Owners Deputy Head Glenn Gaerlan, , BTC Deputy Heads at Sub-Sectoral Representatives Pamela Carino at Cristina Dalisay katuwang sina Eric Kelly at Happy Mime.

