PASKO NA, AKING SINTA

Noly Balatero — December 18, 2024

PASKO NA, AKING SINTA

ANUMAN ang unos na dumarating, isayaw ko lang sa bawat patak ng ulan. Ito ang karaniwang kasabihan na paboritong paalala ng ating mga magulang at maging mga ninunong nakagisnan. Nag-aaral pa lang, ito rin ang mga pangaral na madalas nating marinig sa mga gutong ating mga pangalawang magulang. 


Anuman ang unos, hayaan nating daanan tayo, ipaubaya nating tahakin ang landas na kanyang babagtasin. At habang nilalandas ang daraanan, mabuti pang makisayaw sa tugtuging dulot ng ulan. 


Kasi nga naman, walang idudulot na kabutihan ang pagmukmok habang nananalasa ang sungit ng panahon. Ang pagbuhos ng ulan, ihalintulad na lamang na luhang galing sa langit at pandilig sa natutuyong lupa. Hayaang basain ang lupang pinagtuyuan. 


Ganyan naman ang agos ng buhay. May pagkakataon na pinagkakait ng dilig ng langit. May panahon namang kailangang sumilong sa hampas ng init ng araw. Ang maagap na gawin at pslipasin lamang ang dumadagsang init ng slob o ang humahampas na daluyong ng mala-yelong katubigan 


Kaya naman sa ganyan mga panahon - na pana-panahon lang - ugaliing mskisayaw, makiindak, at salubungin ng buong tatag ang hampas ng langit, ng bumubuhos na ulan, ng pagsusungit at pananalasa. 


Salubungin ang panahon, dahil sa isang iglap, lalampas din iyan. Tanggapin ang luhang sa langit ang pinanggakingan, dahil sa isang kurap, liliipas din yan. Ang lamig ay kailangan din sa katawang napagruyuan. Ang init naman ay para sa mga pusong kay daling pinanlalamigan. 


Bumabagyo man, iwaksi ang agam-agam at pangamba. Hindi hihinto ang daloy ng buhay. Ang panahon ay 

tuloy-tuloy lang. 


Bago ka man kumurap, may bagong kabanatang haharapin. Pasko na - panahon na ng pakikipagniig, ng pagtuldok sa hindi pagkajasundo, o ng pagpapaliban sa kasunduang tila may iglap sa kasalukuyan. Pasko ko, hirang ko! Hayaan ng yakapin ito ng buong tapat upang yumabong pa ang panahon ng pagbibigay at pagpapatawad.

By Artemio A. Dumlao • October 19, 2026
Billions of pesos in public infrastructure contracts os central in the plunder probe against Cagayan Rep. Joseph Lasam Lara and his family, with investigators examining alleged financial ties to construction firms doing business with the government.
By Artemio A. Dumlao • October 16, 2026
The Office of the Ombudsman has ordered the dismissal from service Urdaneta City, Pangasinan Mayor Julio Fernandez Parayno III, Vice Mayor Jimmy Dereje Parayno, and six city councilors over consolidated administrative complaints involving their alleged defiance of a presidential suspension order.
By Artemio A. Dumlao • October 16, 2026
A proposed law creating the Cordillera Autonomous Region drew calls for rejection this Tuesday, with ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio and Cordillera Peoples Alliance (CPA) chair Windel Bolinget warning it could undermine Indigenous self-determination and local control over natural resources.