BUHAY AT PAGKABUHAY

Noly Balatero — November 1, 2024

BUHAY AT PAGKABUHAY

ISANG maluwalhating Undas na naidaos bilang natatanging tradisyon sa lahat!


Tradisyong Pilipino ang nakaraang dalawang araw ng paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay.


Bawat taon, dinadagsa natin ang kanilang himlayan, walang pagkakaibang ating nakalakhan ang nagdaang a-uno at a-dos ng Nobyembre. Kailanman, hindi matatapos ang anumang taon kung hindi ilalaan ang mga sagradong araw na ito ng Nobyembre.


Sama-sama nating ninamnam ang nakalipas, bilang pag-galang sa ugnayang minsan ay nagbigay kulay sa mga pagniniig. Lahat ng maaalala, isinasapuso ang mga ginintuang gunita.


Sadyang ganito ang agos ng buhay Pilipino. Kapag nilakbay na ang hangganan, kapag buhay na lamang sa alaala, ang inulila ay bukal sa pagtanggap ang siphayo ng pagkawala.


Kung ang agos ng buhay ay mistulang bula na inililipad sa papawirin, ganoon din ang kamatayan - biglaan sa Ilan, inaasahan sa may alam. Ngunit ang hapdi ng kawalan ay hindi napapawi ng ganun-ganun lamang. Tumitindi, humahampas, humahagupit.


Kaya naman, ang buhay at pagkamatay ay pantay lamang sa hirap at sakit hindi lamang sa namamaalam, bagkus ganun din sa mga naiwanan. Ulila sa ngayon, gaano man lumipas ang panahon.


Para sa ating patuloy na sinasagwan ang agos ng buhay, ang tanging hamon ay makaahon sa daluyong ng hinagpis at buong layang salubungin ang dumarating pang mga unos.


Hayaan na nating muli tayong bigyang lakas sa mga alaala ng ugnayang buong sinop na ninamnam.


Hayaan na lamang na mahalintulad sa dahon ng damo na hindi nagpapatinag kapag hinahampas ng sariling unos. At ipaubaya na sya ay isayaw ng hanging tumatawid.


Anumang buhay ay kamatayan ang hangganan. Anumang kamatayan ay muling nabubuhay sa bugso ng galaw at sigla ng muling pagbangon. Ang buhay ay sadyang may hampas ng lungkot na kadalasan ay dagliang sinusuklian ng sunusunod pang siphayo.


Ang buhay sa daigdig ay maaaring panandalian at pansamantala. Ang kanilang buhay ay walang hangganan dahil ito ang hiwagang kinagisnan ninoman.


May buhay na walang balakid na makakahadlang upang maabot ang dulo ng hangganan, na ang kasunod ay muling pagkabuhay.


Sa isip, sa puso, at sa mga gunitang walang kamatayan.

Time to Pass the Torch: Why Political Comebacks Are Not the Answer
By Malou Laxamana Pascual May 5, 2025
As the May 12 election nears, a quiet but growing movement is making itself heard in Baguio City. It does not come from the traditional campaign stage or the usual political dynasties. It is not funded by machinery or driven by name recall. It comes from the ground, from the young, and from those who are tired of the cycle. Tired of the same names, the same faces, the same families. Tired of watching opportunity slip away as public service is reduced to a personal brand.
ASEAN bloc called on to protect journalists, media freedom
By Art Dumlao May 4, 2025
ASEAN bloc called on to protect journalists, media freedom
Abra lawmaker tops RPMD Foundation’s job performance assessment
By Art Dumlao May 3, 2025
Abra lawmaker Menchie Bernos bested five of her Cordillera congressmen-colleagues at the most recent job performance assessment ‘Boses ng Bayan' by RPMD Foundation Inc. (RPMD).