PROSISYON NG MGA PUMOPOSISYON

Noly Balatero — November 27, 2024

PROSISYON NG MGA PUMOPOSISYON

MALAKING pagsasaya ang dapat lamang na paganapin intong mga huling araw. Pagkatapos na ang Baguio ay bisitahin ng sunod-sunod na bagyo – bagay na hindi dapat ikagulat – ay panahon naman na ating ipagpasalamat na kahit na ilang mga araw na hanggang ngayong araw ng Linggo ay makakahinga tayo sa pahinga at muling paghahanda sa mga susunod pang hambalos ng sungit ng panahon.


Kung noong mga nakaraang araw ay pumopsisyon tayo sa prosisyon ng mga pagsungit ng panahon, ngayon naman ay pawang posisyonan naman ang ating nararanasan. Para saan? Aba, wala pang isang taon, salpukan nan g mga isinasabong na manok sa labanan ng mga nasa ay mabigyan ng pagkakataong manilbihan.


Ang siste lamang, tila yata base sa talaan ng mga nangangasiwa ng darating na eleksyon, hindi na kagulat-gulat ang mga pangalang ibinabandera sa atin. Huwag ka, pare-parehong mga ngalan ang siyang nakahelera. Mga ngalan na ilang mga taon ring nabigyan ng mandato na pangasiwaan an gating buhay sa Baguio.


Ang higit na tumawag ng ating pansin ay ang tila walang pakundangang ibandera sa mga manghahalal ang iisang apelyido na hangad ay manilbihan ng sabay sa mga pinakamahalagang posisyon – ang pagiging Alkalde at Kongresista uukit ng tadhanang para sa Baguio. Kataka-taka ito. Kamangha-manga.


Kasi nga naman, sa tanang kasaysayan ng lungsod, ngayon lang natin naranasan na iisang ngalan ang babalangkas ng tungkuling abot-kaya naman ng sinomang may matapat na hangarin, may abilidad na mamuno, at may layuning isulong ang kapakanan ng bawat tao, residente man o turistang ating inaakit upang mag 2 o 3 araw man lamang ng paglugar sa lungsod.


Ngayon lamang nangyari na mag-asaw ang naghahangad na maging pinuno ng Baguio. Si Mister para maging Mayor, si Misis naman ay para maging tinig sa Kongreso. Kaya nga ang madalas nating marinig – Ano ba yan, wala na bang iba? Meron bang nakaligtaang gawin nang nanunungkulan pa sa Kongreso? Oo nga at karapatan ng sinoman na layunin ang maglingkod ang ilaan ang sarili sa pagsusuri ng madla. Oo nga’t ang karapatan ay bukas para sa lahat at wala dapat na maging sagabal upang hadlangan ito, walang batas na nagbabawal dahil ang karapatang mahalal ay nasa taong bayan.


Ngunit, at dito ay mariin nating binibigyang tinig ang naisambulat sa ating pananaw, wala bang karapatan ang iba na mabigyan ng pagkakataon upang makapagsilbi? Hindi ba’t kapag ang posisyong inilaan ay tila ginawang halimbawa ng iisang pamilya na kanila lamang at wala ng iba, tumataliwas ito sa tradisyong maka-demokratiko at sa kultrang Pinoy na ang bawat isa ay may pantay-pantay na oportunidad upang makapaglingkod rin?


Eto ang bagay na mariing ipinagduduldulan sa lalamunan ng bawat taga-Baguio. Hayagan at walang pakundangan na ipahiwatig sa ating na anumang naisin ay kanilang isusulong hindi para sa interes na pampubliko, kundi upang isulong ang sariling interes. Sila lamang daw ang sakdal na may karapatan upang magsilbi at wala ng iba pa.


Dito natin masusukat kung gaano ang pagsisidhi na mangingibabaw si Pinoy, sa kanyang nasa na bigyang sigla ang demokrasya ng eleksyon. Habang hinahambalos si Pinoy ng sandamakmak na siphayo sa kalooban, buo pa rin ang kanyang katatagan upangv tanggihan at supilin ang mga nag-aalipusta sa kanyang kulturang maka-demokratiko.


Dito natin biglang naaalala na ang buhay Pinoy ay isang umiinog na turumpo, anumang uri ng trahedya o komedya ang dadaan sa kanyang buhay. Kung ngayon ay kanyang kinakaya ang pagbangon, kaya rin niyang maisulong ang tradisyon ng pantay-pantay na pagtingin sa pag-inog at pag-agos ng buhay pulitika.


Bangon at umahon sa kinasasadlakan. Kaya mo iyan Pinoy, kaya mong pigilan ang pagbalahura sa mga tradisyong iyong kinagisnan at kinakalhan. Kaya mong pigilan ang lantarang pagyurak sa kulturang naging buhay na simbolo ng iyong pagiging malaya.


Mabuhay ang Pinoy na kahit sa pagwalis ng mga bagyo, kahit na sinadlak sa kadiliman, ay nakukuha pa ring ngumiti at humalakhak, ang sumayaw sa indayog ng ulan, at namnamin ang bawat patak na galing sa kalangitan. Tunay kang pinagpala at pinahahalagahan ng tadhanang iyong abot-tanaw. Mabuhay Pinoy!

Time to Pass the Torch: Why Political Comebacks Are Not the Answer
By Malou Laxamana Pascual May 5, 2025
As the May 12 election nears, a quiet but growing movement is making itself heard in Baguio City. It does not come from the traditional campaign stage or the usual political dynasties. It is not funded by machinery or driven by name recall. It comes from the ground, from the young, and from those who are tired of the cycle. Tired of the same names, the same faces, the same families. Tired of watching opportunity slip away as public service is reduced to a personal brand.
ASEAN bloc called on to protect journalists, media freedom
By Art Dumlao May 4, 2025
ASEAN bloc called on to protect journalists, media freedom
Abra lawmaker tops RPMD Foundation’s job performance assessment
By Art Dumlao May 3, 2025
Abra lawmaker Menchie Bernos bested five of her Cordillera congressmen-colleagues at the most recent job performance assessment ‘Boses ng Bayan' by RPMD Foundation Inc. (RPMD).